PUBLIKO PINAG-IINGAT SA MATINDING HEAT INDEX

NAALARMA si Senate committee on health Chairperson Christopher Lawrence “Bong” Go sa report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaugnay sa very high heat index sa ilang bahagi ng bansa sa mga nakalipas na araw.

Sa report ng PAGASA, nasa siyam na lugar sa bansa ang nagrehistro ng heat index na ikinukunsiderang nasa “danger” level dahil umabot ito sa 42 hanggang 51 degrees.

Kabilang dito ang Roxas City sa Capiz; San Jose sa Occidental Mindoro; Masbate; Butuan; Iloilo City; Pili sa Camarines Sur; Puerto Princesa City sa Palawan at Pasay City.

“Ayon sa awtoridad, inaasahang tataas pa ang heat index natin sa bansa dahil kakaumpisa pa lang ng ating tag-init. Andyan din ang El Niño na nagdudulot ng mas mainit na temperatura.

Kaya mag-ingat po tayo at alagaan ang ating kalusugan,” pahayag ni Go.

Inaasahan pa ng PAGASA na aakyat hanggang 52 degrees o mas mataas pa na itinututing na “extreme danger” level ang heat index hanggang Mayo.

(DANG SAMSON-GARCIA)

79

Related posts

Leave a Comment