BULACAN DRUG DEN BINUWAG, 8 ARESTADO

Camp General Alejo S. Santos, City of Malolos – Binuwag ng mga operatiba ng City of San Jose Del Monte Police Station ang nadiskubreng hinihinalang dug den at nadakip ang walong drug suspect sa Brgy. Bagong Buhay 1, CSJDM, Bulacan noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ni Bulacan Police Provincial Office (PPO) director, Col. Relly Arnedo, ang inarestong mga suspek na sina Orlando Briones, 42; Mark Christian Calipayan, 35; John Mico Aguilos, 18; Neptune Anuevo, 40; Jeffrey Ducoy, 24; Aira Kenneiker, 20; Raiza Canonigo, 22, at Rowena Evite, 51, pawang ng CSJDM at Norzagaray.

Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang CSJDM Police Station sa Area B, Purok 7, Barangay Bagong Buhay 1, na nagresulta sa pagkakaaresto kina Briones at Calipayan.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadiskubre ang drug den kung saan nagsasagawa ng pot session ang anim pang mga suspek na kasamang inaresto.

Samantala, walo pang mga drug suspect ang nadakip ng Bulacan Police sa Barangay Bagong Barrio, Pandi, at sa Caingin, Bocaue.

(ELOISA SILVERIO)

92

Related posts

Leave a Comment