BULACAN ECOZONE AND FREEPORT IBINASURA NI PBBM

IBINASURA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pamamagitan ng pag-veto ang batas na magtatayo ng “special economic at freeport zone” sa Bulacan Airport City.

Sa isang text message, kinumpirma ni PCOO at Press Secretary Trixie Angeles na bineto (veto) ng Pangulo ang nasabing batas.

“We confirm that the president signed the veto of HB 7575 entitled, “AN ACT ESTABLISHING THE BULACAN AIRPORT CITY SPECIAL ECONOMIC ZONE AND FREEPORT, PROVINCE OF BULACAN AND APPROPRIATING FUNDS THEREFOR.”

“The constitution requires that in case of a veto, the bill shall be returned to the House where it originated, along with the President’s objections. Attached hereto are the objections and explanation of the veto,” ayon pa kay Angeles.

Sa ulat, tinatayang nasa $15 bilyon ang inilagak na puhunan ng San Miguel Corporation para sa pagpapatayo sa 2,500 na airport.

Nakasaad sa liham ni Pangulong Marcos sa Kongreso nitong Hulyo 1,  na pasisikipin nito ang tax base ng bansa.

Bukod pa sa magdudulot lamang ito ng fiscal risk at may conflict sa ibang sangay ng ahensya ng pamahalaan.

Samantala, ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa National Economic and Development Authority at Regional Development Council na pag-aralang mabuti ang panukalang batas.

Tinatayang nasa 100 milyong pasahero ang masiserbisyuhan ng Bulacan airport kapag naging operational na.

Noong Mayo nang pinal nang pinagtibay ng Senado sa third at final reading ang panukalang magtayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone at Freeport Authority (BACSEZFA).

21 Senador ang bumoto pabor habang walang tumutol nang isalang ang Senate Bill no. 7575 para sa pagtatayo ng domestic at international airport sa lalawigan.

Isa ito sa nakikitang solusyon ng Kongreso para tuluyang ma-decongest ang Metro Manila bukod pa sa inaasahang maibibigay na trabaho sa milyun-milyong mga Pilipino.

Sa panukalang Bulacan Air Hub, ididisenyo ito para ma-accomodate ang hanggang 100 milyong biyahero kada taon.

Maglalagay rin ng special economic zone at freeport authority para sa malayang pagpasok at paglabas ng mga produkto.

Noong nakaraang taon, binigyan na ng 50 taong prangkisa ang San Miguel Corporation para magtayo at mag-operate ng domestic at international airport sa may 2,500 ektaryang lupain sa Bulacan. (CHRISTIAN DALE)

116

Related posts

Leave a Comment