BUS NAHULOG SA BANGIN;17 PATAY, 12 SUGATAN

ANTIQUE – Umakyat na sa 17 ang bilang ng mga namatay habang 12 naman ang nasugatan nang mahulog sa bangin ang isang passenger bus sa bayan ng Hamtic sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon.

Ayon sa Antique Police, 17 ang namatay kabilang ang driver, at inspector ng bus, at isang 17-anyos na estudyante na nasagi ng bus.

Naging pahirapan ang pagkuha sa mga bangkay ng driver at inspector ng bus dahil kapwa naipit ang mga ito nang bumulusok ang bus sa malalim na bangin.

Una nang nilinaw ng Vallacar Transit, nagmamay-ari ng Ceres bus na nahulog sa bangin sa Hamtic, na 24 lang ang mga pasahero ng bus na may bus number na 6289.

Lumitaw sa pagsisiyasat na nagmula sa Iloilo ang bus at papuntang Culasi, Antique nang mahulog ito sa bangin sa KM 174, Igbucay, Hamtic, Antique.

Sa inilabas na statement ng management ng Vallacar Transit, boluntaryo na nilang sinuspinde ang prangkisa ng 12 pang ibang mga bus na kasama sa prangkisa ng Case No. 11-VI-021-AK.

Itinuturing din ng pamunuan na accident prone ang naturang lugar dahil madalas na may nahuhulog na mga sasakyan sa erya.

(JESSE KABEL RUIZ)

252

Related posts

Leave a Comment