‘CATCH-UP FRIDAYS’ NG DEPED SIMULA NA

SISIMULAN nang ipatupad ngayong Biyernes (Enero 12) ng Department of Education (DepEd) ang “Catch-up Fridays.”

Sa katunayan ang lahat ng Biyernes sa buong kasalukuyan school year ay tinawag na “catch-up” day na may layuning paghusayin ang reading skills ng mga mag-aaral.

Ipatutupad ang “Catch-up Fridays” sa mga mag-aaral sa lahat ng public elementary at secondary schools at community learning centers sa buong bansa.

Layon nito na palakasin ang academic performance ng mga estudyante sa K to 12 Basic Education Program, ikinonsidera rito ang mababang proficiency levels sa pagbabasa sa national at international large-scale assessments.

Ang lahat ng Biyernes ng Enero 2024 ay ilalaan din sa “Drop Everything and Read” (DEAR) activity at orientation para sa mga field officials, batay naman sa memorandum na nilagdaan ni DepEd Undersecretary Gina Gonong nito lamang Enero 10.

Ang DEAR ay kabilang sa reading strategies ng departamento kung saan ay pinapayagan ang mga mag-aaral na “independently at silently” ay pagbabasa ng libro na kanilang napili sa maikling oras.

Sa kabilang dako, sa first half ng araw, nakatuon ang DepEd sa pagpapatakbo ng National Reading Program, habang ang second half naman ay sesentro sa pangangalaga sa “values, health, at peace education.”

Mayroon ding Homeroom Guidance Program tuwing Biyernes.

Binigyang diin ng DepEd na ang Catch-up Fridays ay hindi gagraduhan.

Matatandaang, Inanunsyo ni Duterte na simula sa Jan. 12, 2024 ay magkakaroon ng tinatawag na “Catch-up Fridays”.

Ito ay para sa reading, health, values at peace education sa mga paaralan.

(CHRISTIAN DALE)

501

Related posts

Leave a Comment