CHA-CHA A LEAP TO HELL – DAVIDE

PINATITIYAK ni dating Chief Justice Hilario Davide na mananatili ang patriotism at nationalism o pagiging makabayan ng mga estudyante kahit buksan na ang educational institution sa foreign ownership.

Sa kanyang pagdalo sa pagdinig sa Resolution of Both Houses No 6, nanindigan si Davide na wala siyang nakikitang compelling reason o sapat na dahilan upang amyendahan ang 1987 Constitution.

Sinabi ni Davide na ang kailangan ng bansa ay hindi ang pag-amyenda kundi ang full implementation ng buong nilalaman ng saligang batas at hindi ang economic restrictions ang maituturing na hadlang sa pag-unlad ng bansa.

Ipinaliwanag ni Davide na makokompromiso ang nationalism at patriotism ng kabataan sa pagbubukas ng basic educational institutions sa foreign ownership.

Malinaw anya sa batas na mandato ng educational institutions na manguna sa promosyon ng pagiging makabansa, pagmamahal sa kasaysayan at palakasin ang ethical and moral values.

Tinanong pa ni Davide, kung maoobliga ang isang dayuhang kumpanya at inihalimbawa ang Chinese Education Entity na sundin ang mga nilalaman ng Saligang Batas kaugnay sa pagiging makabansa.

Sa huli, nagbabala si Davide na ang pagbabago sa Konstitusyon sa panahon ngayon ay maituturing na lethal experiment, a plan to death, a leap to hell, a Cha-cha dance to the grave or to the hell at cruel punishment to those patriotic.

(DANG SAMSON-GARCIA)

31

Related posts

Leave a Comment