CHA-CHA NI GADON ITAPON SA BASURAHAN

IPINABABASURA ng isang mambabatas sa Kamara ang mungkahi ni Presidential adviser for poverty alleviation Larry Gadon na isama ang political provisions sa isinusulong na Charter change.

Kasabay nito, tinuligsa si Gadon sa mistulang pagsuway sa among si Marcos Jr.

“Gadon, as a presidential adviser, should heed the President’s statement,” ani Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos udyukan ni Gadon ang liderato ng dalawang kapulungan ng Kongreso na isama ang political provisions sa mga aamyendahan sa 1987 Constitution.

Ayon sa mambabatas, malinaw ang pahayag ni Marcos na tanging economic provisions ang aamyendahan sa Saligang Batas dahil kailangan ito ng ekonomiya ng bansa.

Gayunpaman, biglang nagmungkahi si Gadon ng mga political provision na aamyendahan tulad ng term extension upang hindi na magkaroon ng eleksyon kada tatlong taon ang bansa.

Inilabas ni Gadon ang mungkahing ito sa gitna ng resulta ng Pulse Asia survey kung saan halos 90 percent sa mga Pilipino ang hindi pabor sa Charter change (Cha-cha) na sinasabing dahilan din kung bakit double digit ang ibinagsak ng trust at approval rating ni Marcos kasama si House Speaker Martin Romualdez.

“Suggestions like those of Gadon and questions on political changes in surveys such as those included in the recent Pulse Asia poll that confuse the public on the advocacy of the President and leaders of the House and the Senate on economic Charter amendments,” ayon pa sa mambabatas.

“As a co-author of RBH 7, I will never support political amendments,” dagdag pa nito kaya pinayuhan nito ang liderato ng dalawang kapulungan na agad itapon sa basurahan ang mungkahi ni Gadon.

(BERNARD TAGUINOD)

53

Related posts

Leave a Comment