CHA-CHA PARA SA AMBISYON NI LIZA – CHONG

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

NAKATUON ang itinutulak na Charter change sa long-term goal ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos na magpatuloy ang pwesto nila sa Malakanyang hanggang sa kanyang anak.

Ito ang paratang ng dating mambabatas na si Atty. Glenn Chong laban sa maybahay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagsasalita sa Defend the Flag Peace Rally kamakailan sa Tagum City.

“Ang nagpapatakbo nitong lahat, si Liza Marcos. Tapos, ang kanyang long-term goal, ang gusto ni Liza Marcos, gawin ring presidente ang kanyang anak,” ani Chong.

Matatandaan na sa kanyang paglahok sa Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio, Maynila noong Marso, isiniwalat ni Chong ang lahat umano ng kanyang nalalaman na katiwalian sa administrasyong Marcos.

Hindi aniya siya natatakot sa First Lady sapagkat may hawak siyang mga ebidensiya tungkol sa kanyang mga isiniwalat na ilalabas niya sa takdang panahon.

Noong Marso rin, isiniwalat ni Chong na hindi lehitimo ang panalo sa nakaraang 2022 elections ni Pangulong Marcos Jr. dahil produkto ito ng manipulasyon.

Sa kanyang pananalita sa prayer rally ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Liwasang Bonifacio sa Maynila, inakusahan ni Chong ang mag-asawang Marcos at Liza Araneta na minanipula ang halalan kaya nanalo.

“I don’t recognize this man [PBBM] as legitimately elected by the people,” ani Chong.

“Ulitin ko, Marcos Jr., wala kang moral authority to lead this nation dahil minanipula ng asawa mo at ikaw ang Smartmatic election system at nandoon ako no’ng inamin ng asawa mo na magme-meeting kayo ng may-ari ng Smartmatic,” pagbabahagi pa ni Chong.

52

Related posts

Leave a Comment