CAVITE – Nakikipag-ugnayan ang Cavite Police sa Land Transportation Office (LTO) hinggil sa isang sasakyan na ginamit ng hinihinalang kidnappers na iniwan ang biktimang isang Chinese national sa isang fastfood restaurant makaraang magbayad umano ng ransom ang pamilya, sa Imus City noong Linggo ng gabi.
Ang sasakyan na ginamit ng hinihinalang mga kidnapper sa biktimang si Zhang Yang, 38, ay isang Maroon na Toyota Vios na may plakang NBQ 3151.
Ayon sa ulat, dakong alas-11:45 ng gabi nang narekober ng Anti-Kidnapping Group (AKG) Luzon Field Unit, at Imus City Police Station, ang biktima sa loob ng fastfood restaurant sa Brgy. Malagasang 1-G, Imus City, Cavite.
Ang biktima ay inihatid umano ng Toyota Vios matapos magbayad ang mga kamag-anak nito ng halagang 18,000.00USDT sa pamamagitan ng account ng isa sa mga kidnapper.
Patuloy ang isinasagawang backtracking ng pulisya sa Closed Circuit Television (CCTV) sa dinaanan ng nasabing sasakyan at para sa pagkakakilanlan ng abductors ng biktima.
(SIGFRED ADSUARA)
160