‘CHINESE MAFIA’ NAMAMAKYAW NG LUPA SA PROBINSYA

NAMIMILI na ng lupa ang mga Chinese national na nakakuha ng lehitimong dokumento sa Pilipinas tulad ng mga government ID at passport.

Dahil dito, hiniling ni House committee on dangerous drugs chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa Local Chief Executives (LCEs), Philippine Statistics Authority (PSA), Bureau of Immigration at iba pang ahensya ng gobyerno na mag-ingat sa pakikipagtransaksyon sa mga dayuhang ito.

“I received reports that Chinese nationals with forged Filipino identification cards are engaged in huge lands acquisition spree in Bulacan, Palawan, Zambales, Isabela and other parts of the country, establishing warehouses and other ‘business fronts’,” ani Barbers.

Nakarating sa mambabatas na may bodega sa Mexico, Pampanga na pag-aari ng isang Willy Ong ang nakumpiskahan ng 530 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.6 billion.

Ayon sa mambabatas, si Ong na isang Chinese national ay nakakuha umano ng Philippine passport, HUMID ID card at LTO-issued driver’s license na siyang ginagamit nito para mairehistro ang kanyang real estate company na Empire 999 at pagbili ng lupa sa Mexico, Pampanga na pinagtayuan ng bodega.

“We have it on record during our investigations on the 530-kilo shabu haul in Mexico, Pampanga that Willy Ong managed to secure a birth certificate indicating that he is a Filipino.

Ong’s cohorts or the Chinese mafia who works for him presumably was able to secure a Filipino birth certificate via ‘late registration’ with certain LGUs. With his forged Filipino birth certificate, Ong was able to secure a Philippine passport and other government-issued IDs,” paliwanag pa ni Barbers.

Marami pa umanong Chinese national na nakakakuha ng mga lehitimong dokumento kaya dapat pag-ingatan ito ng LCEs at iba pang ahensya ng pamahalaan.

“Aside from perpetually bullying us on the issue of West Philippine Sea, the continuous dumping of counterfeit drugs and other products in the Philippines, these unscrupulous Chinese nationals are now faking documents to acquire legit government-issued documents. Kung ano-ano nang klaseng panloloko ang ginagawa ng mga Chinese nationals na ito sa ating bansa,” dagdag pa ni Barbers.

Kaugnay nito, naniniwala ang ilang senador na may sindikatong tumutulong sa mga dayuhan upang makakuha ng mga kahina-hinalang birth certificates na magagamit naman sa pag-a-apply para sa Philippine passports.

Sa pagdinig sa Senado, inamin ni Foreign Affairs Assistant Secretary Adelio Angelito Cruz na nakahuli na sila ng may 55 dayuhan na kumukuha ng Philippine passports gamit ang mga kahina-hinalang dokumento.

Ibinunyag din ni Senador Pia Cayetano ang kaso ng isang Vietnamese na na-deport dahil sa kaduda-dudang pagkuha ng Philippine passport habang anim pang Chinese ang iniimbestigahan sa kaparehong kaso.

Kaya naman iginiit nina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Sen. Win Gatchalian ang posibilidad ng sindikatong nasa likod ng pag-iisyu ng fictitious birth certificates na kinatigan din ni Cayetano.

Kaugnay nito, iginiit ni Cayetano sa mga ahensya ng gobyerno na dapat tiyaking masasawata ang mga sindikatong ito dahil mandato ng mga ahensya ng pamahalaan na tiyaking hindi nabibili ang pagka-Pilipino.

Nangangamba si Cayetano na nagagamit ang Philippine passports at birth certificates sa pagbili ng properties sa bansa.

(BERNARD TAGUINOD/DANG SAMSON-GARCIA)

67

Related posts

Leave a Comment