COOK TIMBOG SA ILEGAL NA DROGA

ISINELDA ng mga tauhan ng Malate Police Station 9 ng Manila Police District, ang isang 31-anyos na head cook dahil sa kasong alarm and scandal, at nakumpiskahan pa ng isang sachet ng marijuana sa Barangay 755, Malate, Manila noong Linggo ng umaga.

Kinilala ang suspek na si alyas “Oms”, ng Angeles City, Pampanga.

Base sa ulat ni Police Captain Josephuz Melpaz, hepe ng Arellano Police Community Precinct, bandang alas-10:10 ng umaga nang makatanggap ng report ang PCP hinggil sa umano’y pagwawala ng suspek.

Agad namang nagresponde ang mga awtoridad at pinosasan ito ngunit nang kapkapan ay nakumpiskahan ng isang sachet ng marijuana.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong alarm and scandal at paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs of 2002).

(RENE CRISOSTOMO)

39

Related posts

Leave a Comment