CROPPING CALENDAR NG MGA MAGSASAKA BALAK BAGUHIN NG NIA

NAGSASAGAWA ng pag-aaral ang National Irrigation Administration (NIA) na baguhin ang cropping calendar sa bansa para mabawasan ang pressure sa mga dam lalo na sa panahon ng El Niño.

Layunin din nito na mapangalagaan ang imbak na tubig sa malalaking dam sa Luzon tulad ng Pantabangan Dam na pangunahing source ng patubig sa panahon ng taniman.

Ayon kay NIA Administrator Engr. Eduardo Guillen, irerekomenda nilang simulan ang pagtatanim sa Oktubre, sa halip na sa Disyembre, para sumakto ang anihan pagdating ng Pebrero.

Paliwanag ni Engr. Guillen, sa pamamagitan ng nasabing pagbabago sa cropping season ay masusuri rin ng NIA nang maaga ang lagay ng Pantabangan Dam kung sasapat pa ang tubig hanggang sa susunod na cropping na magsisimula naman sa buwan ng Marso hanggang Hunyo.

Pahayag pa ng opisyal, kung sakaling magkaroon ng shortage sa patubig ay irerekomenda nila ang cloud seeding para may pangsuporta sa mga pananim.

Samantala, sa Calabarzon ay mas pinalakas pa ng NIA ang suporta sa Food Security initiative ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamamagitan ng programa ng ahensya na Rice Contract Farming.

Lumagda sa isang kasunduan ang 6 Irrigators Associations (IAs) na sakop ng Agos RIS sa Infanta, Quezon na naging kabahagi ng nasabing programa.

Ang rice contract farming ay isang social at economic program ng NIA na isinusulong ni NIA Administrator, Engr. Eduardo Eddie G. Guillen upang mapataas ang kita ng mga magsasaka at mapaganda ang kanilang kabuhayan.

Layunin nito na epektibong masuportahan ang mga magsasaka upang mapataas ang produksyon ng bigas at mapaganda ang kita at kabuhayan.

(JESSE KABEL RUIZ)

43

Related posts

Leave a Comment