‘CRYPTOCURRENCY KING’, ISA PA INARESTO CIDG

ISANG lalaki na tinaguriang “cryptocurrency king” na nakapanlinlang ng multi million peso sa kanyang mga biktima, ang dinakip ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Ayon kay Police Col. Thomas Valmonte, chief ng Legal Division ng PNP-CIDG, isang dragnet operation ang inilunsad ng kanilang mga operatiba laban sa inireklamong 23-anyos na lalaki na nasa likod umano ng fraud and large scale estafa.

Kinilala ni P/Col. Thomas Valmonte, ang suspek na si Vance Joshua Tamayo, negosyante at residente ng Talaba Olympia, Makati City.

Bukod sa suspek ay dinakip din ng mga awtoridad ang isang Gerome Viñas Laries na tumatayo umanong secretary ni Tamayo, kapwa nahaharap sa kasong large scale estafa.

Si Tamayo ay itinuturing na cryptocurrency king matapos makapanloko ng milyon-milyong halaga sa kanyang naengganyong investors.

Lumilitaw na tinitiyak ng suspek na kikita ang kanyang investors ng 4.5 percent monthly interest sa mga ini-invest sa kanyang pera.

Nasa kustodiya na ng PNP-CIDG Regional Field Unit (RFU) National Capital Region (NCR) ang dalawa habang inihahanda ang mga dokumento sa pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.

(JESSE KABEL RUIZ)

410

Related posts

Leave a Comment