DALAGA NAGBIGTI SA PINTUAN NG BAHAY

CAVITE – Nagbigti ang isang 20-anyos na dalaga dahil sa matinding depresyon sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga.

Wala namang nakitang senyales ng foul play ang mga awtoridad sa pagkamatay ng biktimang si Sardenil, ng Brgy. Malainen Bago, Naic, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:50 ng umaga nang nadiskubre ang pagpapatiwakal ng biktima sa kanilang bahay sa pamamagitan ng pagbibigti gamit ang electric wire na isinabit sa pintuan ng kanilang bahay.

Nabatid mula sa pamilya, dumaranas umano ng matinding depresyon ang biktima na pinaniniwalaang dahilan ng pagpapakamatay nito.

Maliban sa bakas ng sugat sa leeg, walang ibang nakitang senyales ng pagpapahirap kaya naniniwala ang pamilya na walang naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

(SIGFRED ADSUARA)

426

Related posts

Leave a Comment