DATING ES RODRIGUEZ ‘DI KASAMA NANG MAGPA-DRUG TEST SI MARCOS NOONG 2021

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

SA gitna ng pagkwestyon at muling paglutang ng resulta ng drug test ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., naglabas ng paglilinaw ang dati niyang Executive Secretary na si Atty. Vic Rodriguez.

Ani Rodriguez, hindi siya kasama nang sumailalim sa drug test si Marcos Jr. noong 2021 bagkus ay iniabot lamang sa kanya ang resulta nito.

“No, I was not with him. When he subjected himself to the drug test. I have answered this many times in the past. Now, what I have is the result. Yes, the result was handed to me. And yes, I was his lawyer, I was his spokesperson, I was his Chief of Staff. So, of course I will have to defend him,” paliwanag ni Rodriguez.

Si Rodriguez ang nagprisinta sa resulta ng drug test sa mga ahensya ng gobyernong may kinalaman sa ilegal na droga.

Gayunman, kinukuwestiyon ang naturang drug test dahil sa bilis ng pagkuha ng resulta na umabot lamang umano ng dalawang minuto.

Noong panahon ng kampanya para sa 2022 national elections, lumutang na ang isyu na nag-uugnay kay Marcos Jr. sa ilegal na droga kaya ito nagpa-drug test.

Ngunit ngayon ay muli itong lumutang matapos silang magpatutsadahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Para matapos na ang usapin at mawala ang mga espekulasyon, naniniwala si Rodriguez na dapat muling sumailalim sa pagsusuri si Marcos kasama na ang iba pang mga nasa gobyerno.

“I agree. Kasi pag na-drug test na ‘yung… using ‘yung test kit or ‘yung urine, meron na namang magkukuwestyon baka hindi mo ihi yan…Baka uminom ka ng—although walang scientific explanation ito’y naki-kwento ko lang Admar at Carla ah na baka uminom ka kasi ng mga isang galong buko—na washout etcetera. Para matapos ‘yan, gamitin natin ‘yung pinaka-scientifically reliable which is ‘yung follicle ng buhok doon sa mga nasa gobyerno,” ani Rodriguez sa isang panayam ng SMNI.

Upang susugan ang kanyang panawagan para sa isang credible drug test, isinapubliko kamakailan ni Rodriguez ang resulta ng kanyang drug test na nagsasaad na siya’y negatibo sa anomang illegal substance.

“Simple lang naman, napakadaling tuldukan. Kung gusto mo exclamation point pa eh hindi ba? Eh undergo a credible drug examination,” ayon pa kay Atty. Vic.

Nauna rito, inilabas ng isang vlogger ang kopya umano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) operations report kung saan tinuturong subject ang isang Bongbong Marcos sa isang 2012 anti-drug operations.

Agad namang pinabulaanan ng PDEA ang nasabing dokumento.

“Undergo a credible and acceptable drug examination. Kung mali kung sino ‘di mananahimik na ‘yung mali. Di ba? Hindi pwede ‘yung peke ‘yan peke yan. Ah hindi kasi ganito-kasi ganyan oh eh di magpa-test ka,” dagdag pa ni Rodriguez.

57

Related posts

Leave a Comment