PAGPAPALAKAS NG KAPASIDAD SA ENERHIYA AT PAGSASAKATUPARAN NG REPORMANG AGRARYO

TARGET ni KA REX CAYANONG

SA paglipas ng mga dekada, ang pag-unlad at pagpapalakas ng imprastruktura sa enerhiya ay patuloy na nagsisilbing pundasyon ng kaunlaran ng ating bansa.

Kamakailan lamang, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., isang pangunahing hakbang ang naganap sa pagpapatibay ng pasilidad sa kuryente sa rehiyon ng Cebu-Negros-Panay (CNP) 230-kiloVolt (kV) Backbone.

Kasunod ng aerial inspection, ipinakita ni Pangulong Marcos ang kanyang determinasyon at komitment sa pagtataguyod ng matatag na imprastraktura sa enerhiya.

Ang energization ng pasilidad para sa full capacity ng buong transmission system sa Visayas ay hindi lamang nagpapakita ng teknikal na progreso kundi pati na rin ng pangmatagalang pangako sa pag-unlad ng bansa.

Sa pangunguna ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), isang malaking hakbang ang naabot sa kabila ng mga hamon tulad ng usapin sa right of way (ROW), mahabang proseso sa hukuman at mga lokal na pahintulot, mga isyu sa seguridad, at ang epekto ng pandemya.

Ang matagumpay na pagtatapos ng proyektong ito ay nagpapamalas ng kakayahan ng bansa na harapin at lampasan ang anomang hamon sa pagpapalakas ng imprastraktura.

Sa mensahe ng pagpapahalaga mula sa Pangulo ng bansa, muling nabigyan ng halaga ang dedikasyon ng NGCP at ang kahalagahan ng kanilang papel sa pagpapalakas ng kapasidad ng bansa sa larangan ng enerhiya. Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang isang milestone kundi patunay rin sa kakayahan ng mga Pilipino na magtulungan at magtagumpay sa kabila ng mga pagsubok.

Ngunit hindi lamang sa larangan ng enerhiya nagpapakita ng liderato si Pangulong Marcos. Sa pagbisita niya sa Negros Occidental, ipinakita niya ang kanyang malasakit sa mga magsasaka at ang kahalagahan ng repormang agraryo.

Ang pamamahagi ng 4,700 na Certificates of Land Ownership Award (CLOA) ay isang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at pagbibigay ng seguridad sa kabuhayan ng mga magsasaka.

Siyempre, masasabing sa kabuuan, ang mga hakbang na ito ni PBBM ay nagpapakita ng kanyang determinasyon na mapaunlad ang bansa, hindi lamang sa larangan ng enerhiya kundi pati na rin sa sektor ng agrikultura.

Ang kanyang pamumuno ay nagbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa mga Pilipino na sa kabila ng mga hamon, maaari nating makamit ang tunay na kaunlaran at katiyakan para sa ating bayan.

 

41

Related posts

Leave a Comment