DATING KAPITAN, 2 PA PATAY SA PAMAMARIL

AGUSAN DEL SUR – Patay ang isang dating barangay captain at dalawa pang lalaki matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Purok-2, Barangay Tudela, sa bayan ng Trento, sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina Edmar Llames, dating barangay chairman; Yoyoy Asis, may-ari ng bahay, at Tani Montes, bodyguard ng dating kapitan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-7:00 ng gabi, bisita ni Asis ang dalawa at naghahapunan ang mga biktima nang bigla silang pasukin ng armadong kalalakihan at sila ay pinagbabaril.

Dead on the spot ang dating kapitan at si Asis, habang nakalabas pa ng bahay si Montes, subalit hinabol ito ng mga suspek.

Naabutan ito sa harap ng eskwelahan sa barangay, nasa 300 metro ang layo mula sa bahay, at doon tinuluyang inutas ng mga suspek.

Nakaligtas naman ang asawa at anak ni Asis na nakalabas ng bahay nang simulang magpaputok ng mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang motibo sa pamamaril at nagsasagawa ng manhunt operation para madakip ng mga suspek.

(NILOU DEL CARMEN)

31

Related posts

Leave a Comment