DEKALIDAD NA PAMUMUHAY TARGET NI BELMONTE SA QC

(JOEL AMONGO)

SA hangaring itaas ang kalidad ng pamumuhay ng mga residente, lumagda sa isang kasunduan si Quezon City Mayor Joy Belmonte para sa palitan ng kaalaman at teknolohiya sa lungsod ng Rishon LeZion ng bansang Israel.

Sa kalatas ng Quezon City Public Affairs and Information Services Department, target na Belmonte pagtibayin ang ugnayan ng dalawang lungsod sa larangan ng edukasyon, seguridad, teknolohiya, kalikasan, kalakalan, turismo, pagtugon sa kalamidad at iba pa.

Sa panig ng Quezon City, lumagda si Belmonte habang si Mayor Raz Künstlich naman para sa Rishon LeZion City.

Para kay Belmonte, malaking bentahe ang paglagda sa Sister City Agreement sa isinusulong na programa ng pamahalaang lungsod.

Bukod sa mga nabanggit na larangan, kabilang rin sa mga tampok na probisyon sa kasunduan sa pagitan ng dalawang alkalde ang smart technology, innovation, water management, startup ecosystem na agresibong itinutulak ni Belmonte sa nakalipas 10 buwan.

Tumayong saksi sa makasaysayang paglagda ng Sister City Agreement sina Phi­lippine Ambassador to the Israel Pedro Laylo Jr., QC Administrator Michael Alimurung, Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Margarita Santos, Engineering Department Head Atty. Dale Perral at mga tampok na opisyales ng pamahalaang lungsod ng Rishon LeZion.

Higit na kilala ang Rishon LeZion sa Israel bilang pangunahing lungsod na may pinakamataas na kalidad ng pamumuhay – “And that is exactly what we want to replicate here in Quezon City,” ani Belmonte.

104

Related posts

Leave a Comment