HINARANG ng Immigration officials sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong nakalipas na araw ang isang 30-anyos na Filipina dahil sa isinumiteng fake signature ng mataas na opisyal ng Department of Justice (DOJ).
Ayon sa report, ang nasabing Pinay ay nagkunwaring empleyado sa posisyong administrative staff ng DOJ, at pinayagan aniya siyang mag-travel kasama si Undersecretary Nicholas Felix Ty.
Ang iprinisentang travel document ay pirmado ni Usec. Ty, ngunit sa primary inspection ay ‘inconsistence’ ang kayang mga sagot, na siyang naging dahilan upang i-verify sa DOJ.
At nadiskubre na si Usec. Ty ay kasalukuyang nasa Thailand para dumalo sa pagpupulong hinggil sa Human Trafficking and Related Transnational Crime.
Sa isinagawang initial investigation, kumpirmadong peke ang travel authority, at inamin din nito na siya ay papasok bilang entertainer sa United Arab Emirates.
At sinabi pa nito na babayaran niya ang mga pekeng dokumenton ito ng halagang P38,000 sa pamamagitan ng salary deduction sa loob ng dalawang taon.
Agad naman itong inilipat sa kamay ng IACAT para sumailalim sa masusing imbestigasyon upang matukoy ang illegal recruiter kasunod ang paghahain ng kasong kriminal sa mga ito.
(FROILAN MORALLOS)
142