DOT SINITA SA MALUHONG HOTEL ACCOMMODATIONS

NASILIP ng Commission on Audit (COA) ang gastos ng Department of Tourism (DOT) na sumobra ng P2.6 million para sa hotel accommodations nito noong 2022.

Sa annual audit report (AAR) ng COA, inirekomenda ng komisyon na i-refund ng DOT ang excessive costs na ginamit ng mga opisyal at empleyado at mahigpit na sumunod sa Executive Order No. 77 kapag naghahanda na ng Budget Estimate o Terms of Reference para sa kontrata ng mga programa at aktibidad ng mga ito upang maiwasan ang sobrang gastos para sa “hotel accommodations at meals.”

Tinuran pa ng COA na nang rebisahin nito ang 10 sample contracts mula sa Office of the Secretary (OSEC) ng DOT para sa panahon mula Enero 1 hanggang Agosto 31, 2022, natuklasan nito na ang rates na nakasaad sa Budget Estimate ng 8 kontrata ay sobra-sobra sa halaga na ipinag-utos sa ilalim ng EO No. 77 na P1,547,913.80.

“It was concluded that the DOT OSEC’s procurement of hotel accommodation/lodging was not in compliance in all material respects with the provisions of Section 5 of E.O. No. 77,” ayon sa ulat.

“Similar observations were noted in the Cordillera Administrative Region (CAR) and Regions III and IX,” ayon pa rin sa COA.

“All in all, the DOT overspent P2,611,278.60 for hotel accommodations and lodging,” ayon sa COA.

(CHRISTIAN DALE)

54

Related posts

Leave a Comment