DRUM NA MAY LAMANG WAR MATERIALS, NAHUKAY

CAMARINES SUR – Nahukay ng pinag-isang pwersa ng 22nd Infantry Battalion at ng Philippine National Police (PNP) ang isang drum na may lamang mga maka-teroristang kagamitan sa Barangay Calmayon, Juban, Sorsogon.

Kasunod ito ng pagsuko ng isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga awtoridad kahapon, na kinilala sa alyas na “Ka Gohan” (dating miyembro ng Platoon 1, L2, KP3) at isinuko ang isang kalibre .38 na revolver.

Mismong si Ka Gohan ang nagturo sa pinagtataguan ng nasabing maka-teroristang kagamitan kung saan nadiskubre ang isang drum na naglalaman ng isang M-1 carbine, isang AR-9, isang KG-9, isang Molotov, 350 mga bala para sa M16, nasa 10 metrong kable na gamit sa pampasabog, at iba pang medical paraphernalia.

Ang nasabing mga kagamitan ay agad namang inalis ng mga awtoridad sa lugar upang mailayo sa kapahamakan ang mga residenteng malapit sa lugar.

Ayon kay Major General Adonis Bajao, commander ng 9th Infantry (Spear) Division, Philippine Army at Joint Task Force Bicolandia (JTFB), ang pagkakadiskubre sa nasabing mga kagamitan ay patunay lamang ng patuloy na pagpaplano ng CTG na maghasik ng kasamaan sa Bicol. Kaya malaking tulong sa mga awtoridad ang tiwala at ang mga impormasyon ng publiko upang mapigilan ang masasamang plano ng teroristang grupo. (JESSE KABEL RUIZ)

311

Related posts

Leave a Comment