DU30, ALVAREZ DINIKDIK SA ‘MINDANAO REPUBLIC’

MISTULANG pinagtutulungan ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez dahil wala silang planong iatras ang kanilang isinusulong na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Sa magkakahiwalay na panayam, hindi lamang Mindanaoan congressmen ang kumastigo kina Duterte at Alvarez kundi ang mga mambabatas mula sa Luzon at party-list organizations.

“The call for Mindanao’s separation at this critical juncture will only exacerbate the divisions and challenges our country is facing. Instead, we should be focusing on fostering unity and rebuilding our nation,” ani La Union Rep. Francisco Paolo V P. Ortega.

Ayon naman kay 1RIDER party-list Rep. Rodge Gutierrez, panahon na para abandonahin nina Duterte at Alvarez ang kanilang misyon dahil wala aniyang idudulot na maganda ito kung pagwawatak-watakin lamang ang mga Pilipino.

“Why would former President Duterte advocate for the dismemberment of the Republic that he himself led for six years? Huwag naman po tayong watak-watakin bilang isang bansa at mga Pilipino. We urge the former President and former Speaker to reconsider their stance on the matter,” ani Gutierrez.

Maging ang ka-rehiyon nina Duterte at Alvarez na si Davao de Oro Rep. Ruwel Peter Gonzaga ay nagsabi na walang nakasaad sa Saligang Batas na pwedeng humiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Naniniwala rin ang mambabatas na hindi papayagan ng kanyang mga kababayan na humiwalay ang mga ito sa Pilipinas at ilalaban ng mga ito ang nakasaad sa Saligang Batas.

“This attempt to separate Mindanao from the Philippines is not only unconstitutional but also a blatant disrespect to our duly constituted authority. We cannot allow the integrity of our nation to be compromised by such reckless actions,” ayon naman kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.

Sinabi naman ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na hindi totoong napapabayaan ang Mindanao tulad ng ipinangangalandakan nina Duterte at Alvarez dahil well presented aniya ang kanilang rehiyon sa gobyerno at sa Gabinete.

(BERNARD TAGUINOD)

26

Related posts

Leave a Comment