DUTERTE SINOPLA SA SITWASYON SA WPS NOONG KANYANG TERMINO

KINONTRA ni Senador Risa Hontiveros ang pahayag ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nasa maayos ang sitwasyon sa West Philippine Sea sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Ipinaalala ni Hontiveros na noong panahon ni Duterte ay mistulang naging puppet ng China ang Pilipinas.

Idinagdag ng senador na noong panahon ni Duterte naipasa ng China ang fishing ban laban sa mga mangingisdang Pinoy.

Puna pa ng mambabatas na magkakaiba ang pahayag ng mga tauhan ni Duterte na nagpapagulo pa lalo sa sitwasyon.

Dahil dito anya ay mas nararapat na magsagawa ng hearing ang Senado sa binabanggit na gentleman’s agreement sa pagitan ni Duterte at China kaugnay sa West Philippine Sea.

Idinagdag ng mambabatas na mas marami pang mga insidente ng pananakot at pagbabanta na hindi pa isinapubliko noon subalit ngayon ay kitang-kita ang kahangalan ng Tsina.

(DANG SAMSON-GARCIA)

31

Related posts

Leave a Comment