INIT TITINDI PA SA MAYO – PAGASA

NAGBABALA ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na inaasahang mas titindi pa ang mararamdamang init ng panahon hanggang sa katapusan ng buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon.

Sinabi ni Dra. Ana Solis, hepe ng Climate Monitoring and Prediction ng PAGASA, sa Metro Manila pa lamang, maaaring tumindi pa ang maramdamang init factor dahil sa epekto ng El Niño.

Sa ginanap na QC Journalists Forum, sinabi ni Solis, nitong Abril 15 naitala ang maximum daytime temperature na 36.9 degrees Celsius sa Pasay City at maaaring tumaas pa ito hanggang sa buwan ng Mayo.

Ayon pa dito, mas mainit aniya ang mararamdamang init sa urban areas dahil matindi ang heat emission ng mga sementadong lugar tulad ng mga gusali, at kalsada.

Idinagdag pa ni Solis, mas mainit din aniya ang nararamdaman ng isang tao kung maalinsangan ang panahon dahil hindi gaanong nagpapawis ang mga tao.

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ni Dra. Clairrol Astilla ng QC Health Department, ang publikong na kailangang uminom lagi ng tubig, huwag magbababad sa init kung hindi kailangang at huwag lumabas ng bahay upang maiwasan ang epekto ng matinding init.

(PAOLO SANTOS)

68

Related posts

Leave a Comment