RED AT GREEN UNIFORM NG MGA GURO PINALAGAN

PINALAGAN ng kinatawan ng Alliance of Concerned Teachers sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ang bagong guidelines o alituntunin ng Department of Education (DepEd) hinggil sa uniporme na dapat gamitin ng mga guro at school personnel sa panahon ng tag-init.

Base umano sa bagong guidelines ng DepEd, magkakaroon ng alternate uniform ang mga guro at school personnel sa dry season na kulay puti, pula at berde sa school activities.

Ngunit itinuturing itong political color nina Vice President Sara Duterte at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Parang mayroong political meaning ‘yan ah, ‘yung kulay na ‘yan- red and green,” pahayag ni House Deputy Minority Leader France Castro.

“While the guidelines mention the colors white, red, and green, no other “prescribed” colors were specified aside from white in the DepEd’s post,” ayon kay Castro.

Ang mga Marcos ay kilalang pula ang political color habang berde naman kay Duterte na kanilang ginamit noong nakaraang eleksyon sa ilalim ng Team Unity.

Bagama’t may lamat na ang Team Unity, nananatili ang pula at berde sa kanilang political color.

Umapela ang mambabatas sa gobyerno na huwag kaladkarin sa pulitika ang mga guro at school personnel.

Hiniling niya sa DepEd na pinamumunuan ni Duterte na ‘wag nang pakialaman kung anong kulay ang nais isuot ng mga empleyado sa kanilang school activities.

(BERNARD TAGUINOD)

50

Related posts

Leave a Comment