DUTERTE-XI GENTLEMAN’S AGREEMENT HIHIMAYIN

ISINUSULONG ni Senador Risa Hontiveros ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa sinasabing”gentleman’s agreement” sa pagitan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese government na nagbabawal sa repair at rehabilitation ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni Hontiveros na ang gentleman’s agreement ay maaaring batayan ng kasong treason.

Sa kanyang Senate Resolution No. 982, iginiit ni Hontiveros na kung kumpirmado ang kasunduan, mistulang isinusuko na ng Pilipinas ang soberanya.

Nakasaad sa resolution na maging ang National Security Council ay walang alam sa kasunduan.

Iginiit ni Hontiveros na maging ang pambansang seguridad ay nalagay sa kapahamakan dahil sa sinasabing walang-dangal na ‘gentleman’s agreement’.

Binigyang-diin ng senador na nakapaligid na sa ating ang China tulad sa telecom, national grid, maging sa karagatan at mas lalo pang pinalakas sa kasunduang ito.

Sinabi ni Hontiveros na tungkulin n g gobyerno na pangalagaan ang BRP Sierra Madre at ang kawalan nito sa Ayungin Shoal ay magbibigay sa China ng epektibong paraan upang iligal na makapasok sa ating teritoryo.

(DANG SAMSON-GARCIA)

44

Related posts

Leave a Comment