EASE OF PAYING TAXES BATAS NA

TININTAHAN ni Pangulong Marcos ang Republic Act (RA) No. 11976, o Ease of Paying Taxes Act, naglalayong palakasin ang ekonomiya at pangalagaan ang karapatan ng mga taxpayer habang inaayos ang revenue collection sa pamamagitan ng digitalization initiatives.

Pinirmahan ni Pangulong Marcos ang nasabing batas nitong Biyernes, Enero 5.

Isa ito sa mga priority legislation na binanggit ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Addresses (SONA) noong 2022 at 2023.

Sa isang kalatas, sinabi ng Malakanyang na ang bagong batas ay may mahalagang kontribusyon para makamit ang 8-Point Socioeconomic Agenda ng administrasyon sa pamamagitan ng pagkolekta ng mas maraming buwis para sa economic at social development.

Ang implementing rules and regulations (IRR) ng batas ay dapat na ipinahahayag 90 araw mula sa pagiging epektibo ng RA matapos ang konsultasyon ng Finance Secretary sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at pribadong sektor.

Sa kabilang dako, ipinakikilala rin ng bagong batas ang administrative tax reforms at sinusugang ilang Seksyon ng National Internal Revenue Code of 1997.

(CHRISTIAN DALE)

92

Related posts

Leave a Comment