EMPLOYMENT RATE UMAAKYAT

NAGSIMULA nang tumaas ang employment rate ng Pilipinas nitong Oktubre habang bumabangon ang bansa sa COVID-19, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa ulat, nitong nakaraang October Labor Force Survey, tumaas ng 235,000 ang bilang ng mga Pilipino na nagkaroon ng trabaho. Mula sa 43.592 milyon nitong Setyembre, umakyat ito sa 43.826 milyon pagsapit ng Oktubre.

Sa employment rate, umakyat ito ng 1.5% mula 91.1% noong Setyembre patungo sa 92.6% nitong Oktubre. Bumaba naman ang unemployment rate ng 7.4% mula sa dating 8.9% sa kaparehong mga buwan.

Umaasa ngayon ang DOLE na magtutuloy-tuloy na ang pagbangon ng labor market ng Pilipinas habang nagbubukas ang mga negosyo, pabrika at mga industriya dahil sa patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19.

Samantala, umakyat naman sa 862,000 ang underemployment level ng bansa na nangangahulugan na marami pa ring dapat gawin para mapabuti ang labor market.

Ayon sa DOLE, sa ilalim ng kanilang Employment Recovery Agenda ng NERS Task Force, aabot na sa 2.08 indibidwal ang naalalayan nila, may 129,000 establisimyento ang natulungan na nagresulta ng pagkakaroon ng 780,119 bagong trabaho. (RENE CRISOSTOMO)

4

Related posts

Leave a Comment