EX-KAPITAN, ANAK PATAY SA AMBUSH

LEYTE – Patay ang isang dating kapitan ng barangay at menor de edad na anak nito matapos na tambangan ng hindi kilalang mga suspek sa Barangay Casilion, sa bayan ng Villaba, sa lalawigan noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang si Danilo Mates, 57, dead on the spot, at ang 7-anyos nitong anak na si Dan Kyle na nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Gatchalian Hospital sa Ormoc City.

Ayon sa report, sakay sa motorsiklo ang dating kapitan, angkas ang kanyang misis at ang anak nilang batang lalaki.

Binabagtas ng mga ito ang ilang na lugar sa barangay road nang paulanan ng bala ng mga suspek na sakay rin ng isang motorsiklo dakong alas-5:00 ng hapon.

Nakaligtas naman ang 52-anyos na misis ng dating kapitan na si Marivic Baay Mates na nagalusan lamang nang matumba ang motorsiklo.

Napag-alaman na ang dating kapitan ay campaign leader ng isang pulitiko sa kanilang probinsya.

Tinitingnan ng pulisya kung ang pamamaril ay may kaugnayan sa pamamaslang sa isang bodyguard ng nasabi ring pulitiko.

(NILOU DEL CARMEN)

182

Related posts

Leave a Comment