FOOD STAMP GAGAMITIN KONTRA GUTOM

GAGAMITIN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Walang Gutom 2027 food stamp program para targetin na tugunan ang food insecurity at pagkagutom na kinahaharap ngayon ng mga Pilipino.

“‘Yung food insecurity na 2% ‘yung target ng food stamp program na ma-address,” ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao sa isang panayam.

Ang pahayag na ito ni Dumlao ay bilang tugon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa noong Marso 21 hanggang 25 kung saan nagpapakita na ang pamilyang Pilipino ay nakaranas ng involuntary hunger, ibig sabihin ay pagkagutom at walang anomang makain, tumaas ito ng 14.2%.

Sa 14.2% pamilya na nakaranas ng pagkagutom, may 12.2% naman ang nakasama sa moderate hunger habang 2% ang dumanas ng matinding pagkagutom.

Ang “Moderate hunger” ay tumutukoy sa mga taong nakaranas ng pagkagutom “only once” o “a few times” sa nakalipas na tatlong buwan.

Ang “Severe hunger” naman ay tumutukoy sa mga taong nakaranas nito na “often” o “always” sa nakalipas na tatlong buwan.

“‘Yung food stamp program ng DSWD ay may dalawang objectives. Una, bawasan ang bilang ng mahihirap na Pilipino na dumaranas ng involuntary hunger and malnutrition. Ikalawa,

matulungan sila na magkatrabaho, magkaroon ng kasanayan o kakayahan para maging mga kapakipakinabang na members ng kanilang community,” ang wika ni Dumlao.

Sa ilalim ng Walang Gutom 2027 program na inilunsad noong Setyembre 2023, ang mga benepisyaryo ay makatatanggap ng isang electronic benefit transfer card na naglalaman ng P3,000 halaga ng food credits na ibibigay buwan-buwan.

(CHRISTIAN DALE)

34

Related posts

Leave a Comment