FOREIGN INVESTORS DUDA SA CHA-CHA

LONG term instability ang gusto ng investors maging ng local businessmen sa Pilipinas, ayon sa pamunuan ng pinakamalaking business organization sa bansa kaugnay sa isinusulong na economic Charter change sa Kongreso.

Sa isang pulong balitaan, inihayag ni Dr. Cecilio Pedro, tagapangulo ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc., duda sila sa magiging epekto ng Cha-cha sa kalakalan.

Ayon kay Dr. Pedro, ang kanilang concern ay hindi nila batid kung ano ang mangyayari sakaling magkaroon ng pagpapalit sa Saligang Batas.

“Paano kung mali, paano kung walang mangyayari, magpapalit na lang ulit,” ani Pedro.

Nangangamba umano ang mga negosyante dahil sakaling magkaroon ng pagbabago sa Saligang Batas, aabutin ng lima o higit pang taon bago makita kung tama o mali ang mga nagsusulong ng Cha-cha.

Ang kailangan umanong gawin ng gobyerno ay ibaba ang presyo ng kuryente para makasabay sa ibang mga kakumpitensyang bansa at alisin ang red tape at sobrang daming dinadaanang mga opisina sa paglakad ng mga requirement.

Ang masakit pa umano ay hindi inilalatag ng mga nagsusulong ng Cha-cha kung ano ang papalitan. “Tapos marami pang i-insert, eh di lalong magulo,” ani Pedro.

Nanawagan din si Dr. Pedro sa mga mamumuhunan na magkaisa at pagyamanin ang patuloy na lumalagong kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at China partikular sa nalalapit na Canton Import & Export Fair sa Guangzhou City.

“Naniniwala kami sa FFCCCII na ang negosyo at ekonomiya ay mahalagang mga sandata sa pagtataguyod ng mapayapa at maunlad na kinabukasan para sa Pilipinas at Tsina.

(JESSE KABEL RUIZ)

46

Related posts

Leave a Comment