Former ES Vic sa Marcos admin: TAUMBAYAN ‘WAG NAKAWAN NG KARAPATAN

NANAWAGAN si dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag sikilin ang karampatan ng taumbayan sa malayang pagpapahayag.

Si Rodriguez ay kabilang sa mga dumalo sa MAISUG Peace Rally sa Quezon Park, Dumaguete City sa Negros Oriental, Martes ng gabi (Mayo 7).

“Ginoong Pangulong Marcos, ‘wag naman ninyong sikilin ang aming karapatan na malayang makapagpahayag at payapang makapagtipon-tipon. Respetuhin naman ninyo ang ating Saligang Batas. Talamak na nga ang pagnanakaw at korupsyon sa pamahalaan pati ba naman ang ating karapatan ay inyong nanakawin? Huwag naman!” ani Rodriguez.

Matatandaang idinaing ng mga organizer ng Maisug rally ang panggigipit umano ng mga taga-Malacanang na humantong pa sa pagkakansela ng kanilang nakatakdang rally sa Bustos, Bulacan kamakailan.

Dumalo rin sa rally kamakalawa si dating Pangulong Rodrigo Duterte na iginiit na dapat tutukan ng kasalukuyang administrasyon ang pagtugon sa kagutuman ng tao sa halip kalikutin ang Saligang Batas.

Aniya, ang problema ngayon ay hindi lang mahal ang bigas kundi gutom na ang tao dahil sa mahal na mga bilihin.

Dumalo rin sa pagtitipon sina Atty. Glenn Chong, Mayor Baste Duterte, Atty. Harry Roque at iba pang kaalyado ng pamilya Duterte.

Tinatayang umabot naman sa libong supporters ang nakiisa sa peace rally.

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

54

Related posts

Leave a Comment