Fraud case pinalilinaw kay Consing ‘BATA’ NI MARCOS NAMUMURONG MA-DQ

(BERNARD TAGUINOD)

NAMUMURONG ma-disqualified si Rafael Consing Jr., bilang president at chief executive officer (CEO) ng Maharlika Investment Corp. (MIC) kapag hindi nito nilinaw ang isyu ukol sa fraud/estafa case na isinampa sa kanya at kanyang ina.

Ito ang dahilan kaya pinayuhan siya ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na linawin ang isyung ito dahil hindi sapat na sabihin lang na naibasura na ang nasabing kaso na may kaugnayan sa ibinentang lupa na walang malinaw na detalye.

“I am urging him to provide or disclose all of the details, and to show proof of dismissal so that all concerns about his qualification to head the government corporation that will manage tens of billions in assets of the Maharlika Investment Fund (MIF) will be resolved,” ani Rodriguez.

Ginawa ng mambabatas ang payo dahil hanggang ngayon ay kinukuwestiyon ang integridad ng taong mamumuno sa MIC at mangangalaga sa P500 billion investment funds na kukunin sa pera ng bayan.

Nakasaad aniya sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act (RA) 11954 na siyang nagtatag sa MIF, diskwalipikado ang isang appointee sa MIC board of directors kung may kaso itong hindi naresolba limang taon bago ang kanyang appointment.

Malinaw rin aniya sa IRR na hindi puwedeng iappoint sa MIC board of directors ang isang appointee na nasentensyahan sa isang kaso na may parusang anim na taon pataas o kaya nahaharap sa kasong katiwalian, panloloko, tax evasion at iba pa na may kaugnayan sa pera.

Dahil dito, kailangan aniyang linawin ni Consing ang estado ng nasabing kaso na isinampa laban sa kanilang mag-ina tulad ng kung kailan ito ibinasura at maglabas ng ebidensya na nadismiss na talaga ito.

“If the complaint has been thrown out five years before his appointment, then he is qualified. If the case was resolved with finality within the five-year period or if it is still pending, then he clearly is disqualified,” ayon sa mambabatas.

Sa Supreme Court E-Library lists, nakita aniya ang “G.R. No. 161075. July 15, 2013,” o fraud/estafa case complaint laban kay Consing at kanyang ina kung saan si dating Supreme Court (SC) Chief Justice at ngayo’y Executive Secretary Lucas Bersamin ang sumulat ng desisyon.

“Maybe, the Supreme Court, through its spokesman, can tell the public when this particular case and related complaints against Mr. Consing were dismissed, and if there is still any pending,” ayon pa sa kongresista.

216

Related posts

Leave a Comment