‘HAKOT SYSTEM’ ESTILONG MACOY, BITBIT NI JUNIOR

BUMALIK sa alaala ng mga Pilipino ang estilo ng ama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Ferdinand Sr., dahil sa paghahakot umano nito ng mga tao para dumalo sa Bagong Pilipinas rally sa Luneta kahapon.

Ayon kay dating Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite, hindi katanggap-tanggap na iniistorbo ni Marcos Jr., ang mga manggagawa sa kanilang pahinga para dumalo sa kick-off rally ng Bagong Pilipinas.

Sinabi ng dating mambabatas na nakarating sa Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) na kanyang dating pinamumunuan ang mga memoranda at circular na nag-oobliga sa mga empleyado na dumalo sa rally.

Kasama aniya sa mga ahensyang naglabas ng memoranda ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Laguna Lake Development Authority (LLDA) at Department of Interior and Local Government (DILG).

Pinangakuan umano ang mga empleyado na may pagkain, transportasyon at iba pang kailangan ng mga dadalo sa rally subalit walang overtime pay bagkus ay bibigyan lamang ang mga ito ng compensatory time-off (CTO) o dagdag na work leaves.

“This ‘hakot’ system was prevalent during the dark days of Marcos Sr. rule to bolster support for the government’s failing rallies. These unconscionable and desperate measures are using millions of government funds for a program so similar to the despised “Bagong Lipunan” of yore. The song made for this program is now again being played in government radio programs and sends chills to many who have not forgotten the dark days,” ani Gaite.

Nababahala ang dating aktibistang mambabatas na katakot-takot na pera ng bayan ang gagastusin sa nasabing aktibidad na para sa kanya ay dapat gamitin para direktang ayuda sa mga manggagawa.

Bukod dito, natatakot si Gaite na posibleng pag-initan ang mga empleyado ng gobyerno na hindi dadalo sa nasabing rally.

“Bagong Pilipinas is more than a slogan. It is a program of government reflecting the Marcos administration’s modernizing direction. This is reflected in the kind of policies he has prioritized,” pagtatanggol naman ni Albay Rep. Joey Salceda sa paglulunsad ng Bagong Pilipinas.

Ayon sa chairman ng House committee on ways and means, dapat suportahan si Marcos Jr., dahil umuusad umano ang ekonomiya sa mga maayos na polisiya ng administrasyon.

(BERNARD TAGUINOD)

29

Related posts

Leave a Comment