‘HOLDAPER’ PATAY SA BUGBOG NG 2 BIKTIMA

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa natagpuang bangkay ng isang lalaki na umano’y holdaper at inaresto ang dalawang lalaking hinoldap umano nito sa Dasmariñas City noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang natagpuang patay na si Welchris Parong y Maraon, 36, tubong Negros Oriental.

Iniimbestigahan naman sina alyas “Memark” at “Dominick”, kapwa residente ng Brgy. Sta. Maria, Dasmariñas City, unang nagreklamong biktima sila ng robbery holdup.

Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Wilfred Guevarra ng Dasmariñas City Police, nagtungo ang suspek na si Dominick sa Barangay Hall ng Brgy. Sta. Mesa sa nasabing lungsod, at ipinaalam na biktima siya at ang kasama na si Memark, ng robbery holdup.

Agad nagresponde ang mga barangay tanod sa Summer Wind, Brgy. Burol, Dasmariñas City dakong alas-12:05 ng hapon kung saan natagpuan ang bangkay ni Parong na hinihinalang napatay sa bugbog.

Agad na iniulat ng mga barangay tanod ang insidente sa Dasmariñas Component City Police Station na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawa.

(SIGFRED ADSUARA)

78

Related posts

Leave a Comment