HUKOM BABAWASAN NG WORKLOAD

MAS mapagtutuunan na ng pansin ng lower courts ang pagpapasya sa mga kaso.

Ito ay dahil ililipat na sa Office of the Regional Court Manager (ORCM) ang pagresolba sa mga administratibong trabaho ng mga hukom.

Pinangunahan ng mga mahistrado at opisyal ng Korte Suprema ang pagsisimula ng pilot implementation ng ORCM sa San Fernando, La Union.

Ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo, layon nito na mabawasan ang administrative workload ng mga hukom at mapagbuti ang mga administratibong proseso sa lower courts.

Umaasa si Gesmundo na matutugunan ng hakbangin ang mga administrative delay na dumadagdag sa isipin ng mga huwes.

Sa ilalim ng modernisasyon ng Office of the Court Administrator, magtatatag ang ORCM ng regional offices sa judicial regions na direktang lulutas ng mga administratibong gampanin ng lower courts

Ibibigay na sa ORCM ang ilan sa mga trabaho ng OCA at ito na ang direktang makikipag-usap sa court branches at may kapangyarihan na magpasya sa administrative at fiscal matters at iba pang serbisyo sa mababang korte.

Sa ngayon, may anim na judicial regions ang natukoy ng SC na pilot areas ng programa.

(JULIET PACOT)

36

Related posts

Leave a Comment