PAGTATANGGOL SA PILIPINAS TUNGKULIN NG LAHAT NG PINOY

TUNGKULIN ng lahat ng Pinoy na kondenahin ang patuloy na pang-aagaw at pangha-harass ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang pahayag ng mga militanteng magsasaka kaugnay ng umiinit na tensyon sa WPS kung saan may mga Pilipino na mistulang nagtatanggol o kaya nananahimik sa nasabing usapin.

“The issue of Chinese aggression in the West Philippine Sea involves all of us, as it is an attack on our national sovereignty or freedom of the Filipino people’s will and national patrimony that is supposed to be utilized for the benefit of the population, economy, and national development,” ani Zenaida Soriano, national chairperson ng Amihan.

Kabilang ang grupo ni Soriano sa sumugod sa Chinese Consulate office noong Martes bilang paggunita sa ika-82 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan at para ipaalala sa nasabing bansa na pag-aari ng Pilipinas ang WPS.

Hindi na nagbanggit ang grupo kung sino ang mga nananahimik sa nasabing usapin subalit hindi lingid sa lahat na kabilang dito si Vice President Sara Duterte, anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kilalang kaalyado ng China.

“The group urged the Filipino people to be united in defending the rights of the small fishermen as well as the Philippines’ national sovereignty and patrimony against China,” ayon pa kay Soriano.

(BERNARD TAGUINOD)

32

Related posts

Leave a Comment