IKA-161 MALASAKIT CENTER PINASINAYAAN

PINANGUNAHAN nina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senator Bong Go ang inagurasyon ng ika-161 Malasakit Center sa bansa – ang Joni Villanueva General Hospital sa Bocaue, Bulacan ngayong Lunes, ika-11 ng Marso.

Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop office ng Department of Health (DOH), PhilHealth, Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naglalayong padaliin ang pagbibigay ng tulong medikal at pinansyal sa mga nangangailangan.

Dumalo rin sa okasyon sina Bulacan Governor Daniel Fernando, Vice Governor Alex Castro, DOH Undersecretary Rosario Vergeire, Bulacan 5th district Representative Ambrosio Cruz Jr., Bocaue Mayor Jonjon Villanueva at Vice Mayor Sherwin Tugna.

(DANNY BACOLOD)

51

Related posts

Leave a Comment