3 KUMPANYA LANG PWEDE MAG-OPERATE NG MC TAXI -LTFRB

WALANG karapatang legal ang kumpanyang Grab na mag-operate bilang isang motorcycle taxi dahil isa lang sila ng Move It. Magiging monopolya ito sa sandaling payagan.

Ganito ipinaliwanag ni Atty. Roberto Peig, executive director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang posisyon ng ahensya sa nasabing usapin.

Ito ay kaugnay ng ulat na nag-ooperate na ang Grab bilang isang MC taxi gayong hindi ito authorized ng MC Taxi Technical Working Group na nagsasagawa ng pilot study sa MC Taxi operation sa bansa.

Ang mga kumpanyang Angkas, JoyRide at Move It lamang ang authorized at accredited ng MC TWG na sumailalim sa pilot study ng MC Taxi operation sa bansa, may limang taon na ang nakararaan.

Nilinaw rin ni Peig na walang pinanghahawakan ang Grab upang mag-operate bilang isang MC Taxi operator.

Nauna nang nilinaw ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz noong February 2024 na hindi authorized ang Grab na mag-operate bilang MC Taxi service dahil tatlo lamang, Angkas, Move It at Joy Ride, ang accredited na sumailalim sa pilot study batay sa kumpirmasyon ng MC TWG.

40

Related posts

Leave a Comment