INFLATION LOLOBO PA SA MAHAL NG BIGAS

(BERNARD TAGUINOD)

HANGGA’T hindi nakapokus ang gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa bigas at maibaba ang presyo nito, patuloy na lolobo ang inflation rate sa susunod na mga buwan.

“The game plan must be focused on rice,” mungkahi ni Albay Rep. Joey Salceda para maibaba ang inflation rate na lumobo sa 3.7% noong Marso mula sa 3.4% noong Pebrero.

Ayon sa mambabatas, 57% sa total inflation noong Marso ay dahil sa bigas na ngayon ay P55 kada kilo ang pinakamura kaya kailangang maging agresibo aniya ang Department of Agriculture (DA) sa rice production support.

Kailangan din aniyang ibigay sa mga magsasaka ang mga makinaryang nabili ng ahensya at ipamahagi na ang P12 billion financial assistance bago dumating ang Hunyo kung saan inaasahan na magsisimula ang ulan at maaari nang magtanim.

“The DA has also been more active with delivering programs from the Survival and Recovery (SURE) Loan program of the Agricultural Credit Policy Council (ACPC). The Philippine Crop Insurance Corporation has also begun to issue indemnity insurance payments to farmers affected by drought,” mungkahi pa ng mambabatas.

Kailangan din aniyang bilisan ang paglilinis sa National Food Authority (NFA) upang makabili ng mas murang bigas ang mga tao at matigil na ang pagbebenta ng stock sa mga pribadong negosyante.

Sa naunang ulat mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), pinaangat ang March inflation sa 3.7% ng mahal na pagkain at transportasyon.

Gayundin sa sektor ng transportasyon, restaurants at accommodations. Tumaas din ang inflation rates sa kalusugan at recreation, sport and culture.

Bumaba naman ang inflation rates sa alcoholic beverages at tobacco, 6.7 percent from 8.6 percent; housing, water, electricity, gas at ibang petrolyo.

Gayundin sa mga gamit sa bahay, maintenance sa bahay, personal care, at miscellaneous goods and services.

Samantala, hindi irerekomenda ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapataw ng suggested retail price sa bigas sa kabila ng patuloy na pagsipa ng rice inflation sa naturang produkto.

Ito ay dahil posibleng magkaroon ng epekto ang pagpapataw ng price cap, ani Agriculture Assistant Sec. at spokesperson Arnel de Mesa.

(May dagdag na ulat si CHRISTIAN DALE)

64

Related posts

Leave a Comment