ROBIN KAY QUIBOLOY: SUMUKO KA NA

MAGING ang kaibigan at nagiging tagapagtanggol sa Senado ni Pastor Apollo Quiboloy na si Senador Robin Padilla ay nananawagan na rin sa lider ng Kingdom of Jesus Christ na sumuko sa mga awtoridad.

Binigyang-diin ni Padilla na dahil ang korte na ang naglabas ng warrant of arrest sa pastor ay makabubuting harapin na niya ang mga kaso upang mailahad ang kanyang panig.

Kasabay nito, nanawagan din ang senador sa mga tagasuporta ng Pastor na maging mahinahon at tiyaking walang karahasang mangyayari sakaling maaresto o sumuko na si Quiboloy.

Kumbinsido rin si Padilla na may halong pulitikal ang isyu kay Quiboloy kaya pakiusap niya sa mga ahensya ng pamahalaan at sa Senado na huwag sanang idamay ang relihiyon.

Hindi naman binabalewala ng mambabatas ang mga sinasabing biktima ng pang-aabuso ni Quiboloy pero kanyang pakiusap na pag-usapan na lamang sa korte upang hindi maimpluwensyahan ng mga politically-motivated individual ang kaso.

(DANG SAMSON-GARCIA)

39

Related posts

Leave a Comment