ISA PANG KAPITANA PATAY SA AMBUSH

ILOCOS NORTE – Isa na namang babaeng kapitan ng barangay ang namatay sa pananambang ng riding in tandem sa Barangay Tabucbuc, bayan ng Marcos, sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Helen Abrigado, re-elected chairwoman ng Barangay Ferdinand.

Ayon sa report ng Ilocos Norte Police Provincial Office, dakong alas 9:00 ng gabi, galing sa Christmas lighting program sa munisipyo ang biktima at pauwi sa kanilang barangay.

Habang tinatahak ng sinasakyan nitong semi-truck na service ng barangay, ang river bank ng Barangay Tabucbuc, nang sabayan sila ng motorsiklong sinasakyan ng mga suspek.

Apat na beses na pinagbabaril ng backrider ang passenger seat ng sasakyan kung saan nakaupo ang chairman.

Isinugod ang biktima sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center subalit idineklarang dead on arrival ng doktor.

(NILOU DEL CARMEN)

88

Related posts

Leave a Comment