JEEP NAHULOG SA BANGIN; 2 PATAY, 8 SUGATAN

QUEZON – Dalawa ng namatay habang walo ang sugatan nang mahulog ang isang owner type jeep sa bangin sa gilid ng Marilaque Highway, Barangay Magsaysay, sa bayan ng Infanta sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.

Ayon kay Infanta police chief, Police Major Fernando Credo, nangyari ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon, habang sakay ng owner type jeep na minamaneho ng isang American pastor, ang walong pasahero na pawang miyembro ng katutubong Dumagat, kasama ang isa pang Canadian pastor.

Habang tinatahak ang Marilaque Highway, nawalan umano ng preno ang jeep sa palusong at kurbadang bahagi kaya nag-overshoot ito at nahulog sa 10 metrong lalim na bangin.

Agad isinugod ng nagrespondeng tauhan ng PNP at MDRRMO sa Claro M. Recto District Hospital ang mga biktima subalit binawian ng buhay sina Adelina America Peñamante, at Adrian Mercado.

Sugatan din ang nagmamanehong pastor na kinilala sa pangalang Loren, 45; at ang isa pang Canadian pastor na si Nelvin Paul Maldaner, 48-anyos. Kabilang din sa sugatan ang tatlong bata na may edad 3, 9, at 13-anyos.

(NILOU DEL CARMEN)

120

Related posts

Leave a Comment