KAMARA DAPAT IMBESTIGAHAN MGA TAKSIL SA BAYAN – SOLON

TINAWAG ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, na “taksil” ang mga Pilipinong nag-aabogado sa China sa usapin ng West Philippine Sea (WPS).

Gayunman, walang pinangalanan si House Assistant Majority Leader Rep. Jude Acidre.

Samantala, muli namang hinamon ni ACT Party-list Rep. France Castro ang liderato ng Kamara na magpatawag ng imbestigasyon lalo na’t inamin na aniya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang secret agreement na pinasok nito sa China sa usapin ng WPS.

“Now that Duterte has finally admitted on entering a secret deal with China, it is imperative that Congress hear House Resolution 1216 that we have filed as early as last year,” ayon sa mambabatas.

Hanggang ngayon ay wala pang desisyon ang Kamara kung magpapatawag ng imbestigasyon o hindi subalit kailangan aniya ito upang malaman kung ano pang kasunduan ang pinasok ni Duterte bukod sa status quo sa WPS at pagpayag nito na tanging pagkain at tubig ang dadalhin sa mga sundalo na naka-deploy sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

“We call on our fellow lawmakers to swiftly address this issue and ensure that the interests of the Filipino people are protected. It is crucial that we uphold our sovereignty and hold those accountable for any actions that may compromise it,” ayon pa kay Castro.

(BERNARD TAGUINOD)

54

Related posts

Leave a Comment