BANGKA LUMUBOG, 2 MANGINGISDA NASAGIP

NASAGIP ang dalawang mangingisda nang lumubog ang sinasakyang bangka sa karagatang bahagi ng Cabra Island sa Kubang, Occidental Mindoro noong Sabado .

Nang matanggap ang impormasyon, agad na nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng Coast Guard Sub Station (CGSS) Lubang sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) Lubang para sa sea ambulance para maglunsad ng search and rescue operation sa fishing banca “Rex and Roy”, lulan ang dalawang mangingisda.

Namataan ng Coast Guard and PDRRMO na nakalubog ang kalahati ng bangka kaya agad tinulungan ang mga mangingisda na kinilalang sina Joel Damalerio, 80, at Rolan Ranque, 51, kapwa residente sa Barangay Aroma, Tayamaan, Mamburao at ngayon ay nasa maayos nang kondisyon.

Matapos ang matagumpay na rescue operations, hinila ng search and rescue team ang fishing boat sa ligtas at maingat na itinali sa malapit na payaw para sa pansamantalang shelter.

Habang inihatid naman ang nasagip na mga mangingisda sa Rural Health Unit para sa karagdagang medical assessment.

(JOCELYN DOMENDEN)

53

Related posts

Leave a Comment