KASO VS. DE LIMA IURONG NA LANG KAYSA MATALO – SOLON

MATAPOS ang dalawang dikit na bulilyaso, pwede pa rin naman maisalba ni Justice Secretary Crispin Remulla ang sarili sa matinding kahihiyan at patuloy na panawagan sa kanyang pagbibitiw sa pwesto.

Para kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, hindi angkop na kontrahin pa ng kontrobersyal na Kalihim ang pasya ng Muntinlupa City Regional Trial Court na una nang kinatigan ang pagbawi sa testimonya ni Bureau of Corrections chief Rafael Ragos laban kay dating Senador Leila De Lima.

“Secretary Jesus Crispin Remulla would not lose face but would instead reap praise if he orders the immediate withdrawal of the complaint to allow Atty. De Lima to enjoy her freedom and her rights again,” ani Rodriguez.

Aniya, lubhang napahiya na ang mga tagausig nang tangkaing pigilan si Ragos na bawiin ang salaysay na isinumite sa husgado, kasabay ng giit na di na dapat pang ilagay pa sa mas malaking kahihiyan ang pinamumunuang departamento.

“What is the prosecution afraid of? They should test Mr. Ragos’ retraction in an open hearing by grilling him. Do they fear that Mr. Ragos would survive their questioning and his recantation would be strengthened,” ani Rodriguez.

Mungkahi pa ng kongresista kay Remulla, iatras na lamang ang asunto, lalo pa’t nagbabadyang matalo lang ang prosekusyon sa kasong dinidinig ni RTC Judge Abraham Joseph Alcantara sa mga naunang pagbawi ng testimonya ng kilalang drug lord na si Kerwin Espinosa at Ronnie Dayan na nagsilbing drayber ng dating senador.

“The prosecution has failed to support with enough evidence the drug charges it has filed against the former senator. It’s time for it to withdraw the complaint so that former Sen. De Lima could be freed immediately,” ayon pa sa mambabatas.

Taong 2017 pa nang kasuhan ni dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang dating senador na di umano’y sangkot sa kalakalan ng droga sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) – bagay na pinabulaanan ni De Lima, kasabay ng giit na gawa-gawa lang ng nakaraang administrasyon ang mga alegasyon. (BERNARD TAGUINOD)

12

Related posts

Leave a Comment