KASUNDUAN NG SMNI AT CHINA NABUKSAN SA KAMARA

LABIS na ikinabahala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kasunduan sa pagitan ng Sonshine Media Network International (SMNI) at China Global Television Network (CGTN) lalo na’t puro kasinungalingan ang inilalabas umano ng nasabing bansa laban sa Pilipinas kaugnay ng usapin sa West Philippines Sea (WPS).

Sa ikatlong pagdinig ng House committee on legislative franchises, kinalkal ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang kasunduan ng SMNI sa isa sa tatlong media network na ginagamit ng China sa kanilang propaganda.

“This is very dangerous kung ang isang franchise holder ay may cooperation o collab with the Chinese state owned o pag-aari ng gobyerno ng China na media network, eh alam naman natin na ang inilalabas ng China ngayon lalo na sa West Philippine Sea ay puro kasinungalingan,” ani Tiangco.

Lumalabas na mismong sa Beijing, China umano naikasa ng dalawang media network noong July 2023 kung saan ayon sa mga abogado ng SMNI, ang kasunduan ay para ang mga balita ng kanilang kliyente ay ilalabas sa CGTN o vice versa.

Gayunpaman, nababahala rito si Tiangco dahil walang balitang maganda ang China sa usapin sa WPS na kanilang inaagaw sa Pilipinas at walang magawa ang SMNI kundi ilabas ang kasinungalingan nito.

Samantala, muling padadalhan ng imbitasyon si Pastor Apollo Quiboloy matapos itong tumangging humarap sa ikatlong pagdinig kaugnay ng prangkisa ng Swara Sug Media Corporation na ginagamit ng SMNI.

(BERNARD TAGUINOD)

92

Related posts

Leave a Comment