P20 na pangako ni BBM talagang imposible BIGAS PAPALO SA P60 KADA KILO

bigas12

POSIBLENG umabot na sa P60 ang pinakamurang bigas sa Metro Manila dahil imbes tutukan ang pagpaparami ng produksyon ng palay ay patuloy na umaasa sa importasyon ang gobyerno.

Ito ang ikinababahala ni Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo matapos sumampa sa P52 hanggang P54 ang presyo ng bigas maging sa ibang probinsya tulad ng Aurora na rice producer ay P52 pa rin ang pinakamura.

“Baka aabot talaga ng P60 per kilo yung mga regular milled rice given na wala namang nagagawang concrete na solusyon yung gobyerno bagkus ay mag-iimport,” pahayag ni Estavillo.

Nabatid na darating na ang inangkat na bigas sa India subalit dahil nagmahal ang presyo sa world market bukod pa ang dagdag na gastos sa shipment ay malamang na ibebenta ito ng mahal sa bansa.

Sinabi ni Estavillo na hangga’t puro importasyon ang gagawin ng gobyerno ay walang garantiya na bababa ang presyo ng bigas.

Magugunita na ipinangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., noong panahon ng kampanya na makakabili ng P20 kada kilo ng bigas kapag siya ang nanalong pangulo.

Gayunpaman, imbes na bumaba ang presyo nito ay lalong tumaas na posibleng umabot sa P60 ngayong buwan, ayon kay Estavillo.

Iginiit naman ng Makabayan bloc sa Kamara na amyendahan na ang Rice Tariffication Law dahil mula nang maging batas ito ay nawala na rin ang NFA (National Food Authority) ng bigas na mabibili lamang ng P27 kada kilo.

(BERNARD TAGUINOD)

259

Related posts

Leave a Comment