KOALISYON KONTRA ‘US-BBM PROXY WAR’ NILARGA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM

UPANG mapigilan ang posibleng giyera sa West Philippine Sea (WPS), isang coalition ang inilunsad na kinabibilangan ng iba’t ibang sektor sa Pilipinas.

Kasabay ng paglulunsad kahapon ng Coalition against War sa Quezon City Sports Club, ang pangangalap ng lagda na nagpapahayag ng pagtutol sa posibleng digmaang dulot ng mga hakbang ng administrasyong Marcos Jr.

Sa panayam ng Pulso ng Bayan sa SMNI, sinabi ni Adolfo Paglinawan, dating press attaché and political analyst, ito ang epektibong paraan para maipahayag ang kanilang saloobin hinggil sa alalahaning ito sa administrasyon ni Marcos Jr.

“And now, this has evolved into a nationwide coalition of citizens against war. No to U.S.-BBM Proxy War,” pahayag ni Paglinawan.

Tinututulan ng grupo ang lalo pang paglaganap ng Enhanced Defense Cooperation Agreement or EDCA bases sa bansa, na nakikitang instrumento ng American warfare.

Ang labis na ipinag-aalala ng grupo ay ang estratehikong paglalagay ng EDCA sites malapit sa Taiwan – sa mga erya ng bansa sa norte.

“Because of the continuous gunpowder mindset in our society where the people see no enemy, it seems like this is where the President’s attention is focused. In the face of widespread poverty,” dagdag ni Paglinawan.

Aniyam ang koalisyon ay kinabibilangan ng ilang dating senador. “We have our honorable former Senators Nikki Coseteng, and Francisco Tatad,” aniya.

“Countrymen, we will disseminate this manifesto, and if you are against war and pro-peace, if you stand for peace, not turmoil—sign it because we will spread it to the public so you’ll know what our government is really doing. We are nearing danger,” panawagan pa niya.

Kahapon ay mahigit 100 indibidwal na umano ang pumirma sa manifesto.

Target na gawin din ang signing ceremony sa mga paaralan, at iba pang komunidad sa Pilipinas at ibang bansa.

52

Related posts

Leave a Comment