LALAKI BINIRA DAHIL SA DROGA

NAMATAY noon din ang isang hindi pa kilalang lalaki makaraang patraydor na barilin sa likurang bahagi ng ulo sa Gasangan Street, Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, Manila nitong madaling araw ng Martes.

Kinilala ang biktimang si alyas “Ronald”, nasa 25 hanggang 30-anyos ang edad at nasa 5’7″ ang taas.

Batay sa ulat na isinumite ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, batay sa pahayag ng isang testigo, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang barilin ang biktima ng suspek na si John-John Pascua, 28, at kasabwat nitong si Ramon Sobe, 34, sa nasabing lugar.

Ayon pa sa report ng pulisya, ang biktima umano ay sangkot sa pagpapakalat ng ilegal na droga sa lugar at maaaring hindi ito nag-remit kaya itinumba.

(RENE CRISOSTOMO)

45

Related posts

Leave a Comment